Clarkson abangers sa World Cup

HANDA anumang oras si Fil-Am basketball star Jordan Clarkson sakaling payagan na siya ng FIBA na maglaro para sa Gilas Pilipinas bilang local sa World Cup 2019 ngayong Agosto sa China.

The post Clarkson abangers sa World Cup appeared first on Abante News Online.

clarkson abangers sa world cup - Clarkson abangers sa World Cup
jordan 4 - Clarkson abangers sa World Cup

HANDA anumang oras si Fil-Am basketball star Jordan Clarkson sakaling payagan na siya ng FIBA na maglaro para sa Gilas Pilipinas bilang local sa World Cup 2019 ngayong Agosto sa China.

“Just be ready. Go in there. Try to win. Do your job. Hopefully we get some wins over there and do what we gotta do,” ayon sa 26-anyos na Cleveland Cavaliers star sa report na lumabas sa Spin.ph.

Sibak na sa paparating na 2019 NBA playoffs ang Cavs ni Clarkson kaya libre na itong maglaro para sa Team Philippines kung aaprubahan ng FIBA ang apela ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na paglaruin ito bilang local at hindi naturalized.

“I don’t know yet. Stay tuned, I hope,” sambit pa ni Clarkson nang tanungin sa estado ng kanyang posibleng paglalaro para sa Pilipinas.

Pero ayon sa ilang urutero, kahit­ payagan ng FIBA si Clarkson na maglaro bilang local, magiging problema naman kung papayagan ito ng Cavaliers na maglaro sa FIBA dahil ikinukunsidera ng team ang safety nito.

Papatapos na kasi sa 2019-2020 season ang apat na taong kontrata ni Clarkson na nagkakahalaga ng US$50 million na una niyang pinirmahan habang nasa Los Angeles Lakers pa ito.

The post Clarkson abangers sa World Cup appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *