Chot supalpal kay Yeng

NAGSALITA ang ngayo’y head coach ng Team Pilipinas na si Yeng Guiao sa mga komento ng dating Gilas coach na si Chot Reyes ukol sa tila pagbibigay-pressure nitong maungusan ang 2014 FIBA World Cup stint ng nationa­l team ngayong taon.

The post Chot supalpal kay Yeng appeared first on Abante News Online.

chot supalpal kay yeng - Chot supalpal kay Yeng
Chot Reyes - Chot supalpal kay Yeng

NAGSALITA ang ngayo’y head coach ng Team Pilipinas na si Yeng Guiao sa mga komento ng dating Gilas coach na si Chot Reyes ukol sa tila pagbibigay-pressure nitong maungusan ang 2014 FIBA World Cup stint ng nationa­l team ngayong taon.

Matatandaang sinabi ni Chot na walang dahilan ang Team Pilipinas na hindi malampasan ang one win performance ng kanyang tropa noong 2014 dahil sa mga kalidad ng mga manlalaro at magandang game shape ni Andray Blatche.

“With this team now, the player­s that we have, with coach Yeng (Guiao’s) system and with Andray Blatche in shape, there’s no reason for us to improve on that previous one win in 2014,” saad ni Reyes.

Kinumpara pa ni Reyes na mas na­ging mahirap daw ang landas ng Gilas noong 2014 kaysa ngayon dahil tanging Serbia lamang ang kasama sa top 10 sa FIBA rankings na makakaharap ng Team Pilipinas, iba umano sa kanila na nakaharap ang bigating koponan ng Argentina, Croatia at Greece.

Bilang tugon, sinabi ni Guiao na ini­rerespeto nito ang opinyon ng da­ting Gilas coach ngunit malabong mas magiging madali ang kanilang kampanya ngayon dahil bawat koponan sa World Cup ay panigurado umanong paghahandaan na ang Pilipinas.

“He is entitled to his own opinion. But the Top 20 teams noon, medyo ‘di nagkakalayo, except maybe for the US and Spain. Outside these two teams, puwedeng magkaroon ng upset sa top 15 teams. Any team can beat the other,” ayon kay Guiao. (RP)

The post Chot supalpal kay Yeng appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *