Chot pine-pressure si Yeng sa World Cup

TINGIN ni dating Gilas­ Pilipinas head coach Chot Reyes, mas magaan ang assignment ng Nationals ngayon sa Group D sa FIBA World Cup 2019 kumpara sa koponang hinawakan niya taong 2014.

The post Chot pine-pressure si Yeng sa World Cup appeared first on Abante News Online.

chot pine pressure si yeng sa world cup - Chot pine-pressure si Yeng sa World Cup
coach 2 - Chot pine-pressure si Yeng sa World Cup

TINGIN ni dating Gilas­ Pilipinas head coach Chot Reyes, mas magaan ang assignment ng Nationals ngayon sa Group D sa FIBA World Cup 2019 kumpara sa koponang hinawakan niya taong 2014.

Noong huling edisyon­ ng torneo ay na-bracket ang Pilipinas sa Greece, Croatia, Argentina, Senegal at Puerto Rico.
Senegal lang ang tinalo ng Gilas 81-79.

“We have proven before that we can compete and that there’s no reason with this team now, with the players­ that we have, with coach Yeng’s (Guiao) system, with Andray Blatche in shape, there’s no reason for us not to improve on that previous one win in 2014,” sabi ni Reyes.

“First of all, all of the teams are tough. But at least there’s only one top 10 team in our group. Kasi (‘nung) 2014, there were three top 10 teams in our group and nasabayan natin lahat. That’s one.”

Naka-bracket sa Group D ang Team Pilipinas kasama ng Angola, Italy at Serbia sa World Cup sa China mula Aug. 31-Sept. 15.

World No. 4 ang Serbia, No. 13 ang Italy. Sa ibaba ng No. 31 Pilipinas ang No. 39 Angola.

“Secondly, ang ganda ng schedule natin ngayon eh. Laro, pahinga. Laro, pahinga, laro, pahinga,” dagdag ni coach Chot.

The post Chot pine-pressure si Yeng sa World Cup appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *