Chiefsquad 3-peat sa NCAA Cheerleading

NANAIG sa ikatlong sunod na taon ang Arellano University (AU) Chiefsquad sa NCAA Season 94 Cheearleading Competition na napanood nang live sa ABS-CBN S+A at S+A HD mula sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City noong Marso 28.

The post Chiefsquad 3-peat sa NCAA Cheerleading appeared first on Abante News Online.

chiefsquad 3 peat sa ncaa cheerleading - Chiefsquad 3-peat sa NCAA Cheerleading
chiefsquad - Chiefsquad 3-peat sa NCAA Cheerleading

NANAIG sa ikatlong sunod na taon ang Arellano University (AU) Chiefsquad sa NCAA Season 94 Cheearleading Competition na napanood nang live sa ABS-CBN S+A at S+A HD mula sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City noong Marso 28.

Ito na ang ikapitong korona ng Chiefsquad sa naturang kumpetisyon, samantalang pinakamarami pa rin ang titulo ng runner-up ngayong­ season na University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Altas Perpsquad, na may 12 na.

Bago ginawad ang mga tropeo sa Cheerleading Competition, kinilala muna ang mga koponang nagkampeon sa Juniors at Seniors division ng buong komunidad ng NCAA.

Nasungkit muli ng SBU ang general championship para sa taong ito, ang kanilang ikapito, salamat sa kanilang pagpapakitang-gilas sa basketball, volleyball at swimming.

Samantala, nakamit naman ng UPHSD ang kauna-unahang titulo nila bilang general champion sa Juniors.

Nagsilbing host sa huling­ kumpetisyon ng liga sina NCAA panelist Andrei Felix at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Dawn Chang.

Binuksan naman ni Kapamilya actress at Star Music artist Janella Salvador ang palabas sa isang mainit na song and dance number.

Para sa mga karagdagang istorya at balita sa NCAA, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com.

Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.

The post Chiefsquad 3-peat sa NCAA Cheerleading appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *