Chico titimon sa Scorpions

MULA sa pagiging assistant, pamumunuan na ni Chico Manabat bilang head coach ang Centro Escolar University Scorpions.

The post Chico titimon sa Scorpions first appeared on Abante.

chico titimon sa scorpions - Chico titimon sa Scorpions
abante kots - Chico titimon sa Scorpions

MULA sa pagiging assistant, pamumunuan na ni Chico Manabat bilang head coach ang Centro Escolar University Scorpions.

Ito ang unang beses na uupo bilang head mentor ng collegiate basketball si Manabat na papalitan si coach Jeff Napa.

“CEU always welcome opportunities to develop, not just players but even coaches. We have faith in coach Chico’s talent,” pahayag mula sa CEU management.

Ibinahagi naman ni 41-year-old Manabat sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports on Air nitong Huwebes, suportado ng Games and Amusement Board, Philippine Sports Commissioner at PAGCOR, na handa nitong gampanan ang kanyang tungkulin at ipagpatuloy ang winning tradition ng Scorpions sa mga liga na kanilang lalahukan sa oras na mahinto na ang pandemiya.

Ilan sa mga player na aasahan ni Manabat, naging deputy coach ni Napa sa NU Bullpups at Letran Knights, para sa Scorpions sina Franz Diaz, Jerome Santos, Kurt Sunga at Dave Bernabe.

Nang maupo si Napa sa CEU noong Enero, nakapaglaro ang Scorpions sa Philippine Collegiate Champions League (PCCL), Men’s National Collegiate Athletic Association (MNCAA) at PBA D-League bago ang pandemic.

Samantala, target naman ng Scorpions ang back-to-back championship sa National Capital Region Athletic Association (NCRAA) at kampeonato sa Universities and Colleges Basketball League (UCBL). (JAToralba)

The post Chico titimon sa Scorpions first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *