Chabi Yo MVP!

HINIRANG na UAAP Season 82 Most Valuable Player ng men’s basketball tournament si UST Growling Tiger Chabi Yo.

chabi yo mvp - Chabi Yo MVP!
abante chabi yo - Chabi Yo MVP!

HINIRANG na UAAP Season 82 Most Valuable Player ng men’s basketball tournament si UST Growling Tiger Chabi Yo.

Kinapos man ang UST na makuha ang kampeonato sa Season 82 ng UAAP, dinomina naman nila ang overall rankings.

Si Chabi Yo ang kauna-unahang MVP awardee ng UST Men’s Basketball matapos ang 14 na taon mula nang masungkit ito ni Dylan Ababou noong 2006 kung saan nagkampeon rin ang UST sa Men’s Basketball.

Matatandaan na sa naging laro ng UST kontra FEU noong Nobyembre 6 ay kumana si Chabi Yon g career high na 25 points, 11 rebounds at 3 assists.

Sa pagtatapos ng UAAP Season 82, nagtala ng 76 statistical points si Chabi Yo.

May average naman itong 16.9 points, 14.7 rebounds at 1.3 assists sa elimination round. (Sarah Jireh Asido)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *