Certain To Win petmalu sa Magic Millions Race

KAMPANTENG ginabayan ni class A rider JP Guce si Certain To Win upang angkinin ang titulo sa Magic Millions Australia Stakes Race Linggo ng gabi sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

The post Certain To Win petmalu sa Magic Millions Race first appeared on Abante.

certain to win petmalu sa magic millions race - Certain To Win petmalu sa Magic Millions Race
Magic - Certain To Win petmalu sa Magic Millions Race

KAMPANTENG ginabayan ni class A rider JP Guce si Certain To Win upang angkinin ang titulo sa Magic Millions Australia Stakes Race Linggo ng gabi sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Puwesto sa tersero si Certain To Win sa largahan habang pukpukan sa unahan ang matutulin na sina Helushka at Kaka And Batchi.

Pagsapit ng far turn ay lumapit na ang winning horse at saka kumapit sa unahan papasok ng huling kurbada.

Bandang 100 metro na lang ng laban umunat si Certain To Win upang manalo ng apat na kabayo sa nasegundong si Kaka And Batchi.

Naitala ni Certain To Win ang 1:38.4 minuto sa 1,600 meter sprint sapat upang ibulsa ng owner niya ang P180,000 na premyo.

Kinolekta naman ng may-ari ni Kaka And Batchi ang second prize na P67,500. (Elech Dawa)

The post Certain To Win petmalu sa Magic Millions Race first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *