Celtics silat sa tres ni Anunoby

PERA na naging bato pa.

The post Celtics silat sa tres ni Anunoby first appeared on Abante.

celtics silat sa tres ni anunoby - Celtics silat sa tres ni Anunoby
abante og 1 - Celtics silat sa tres ni Anunoby

PERA na naging bato pa.

Lupaypay ang balikat ng Boston Celtics sa buzzer beater three ni OG Anunoby kahapon sa 2019-2020 NBA second round playoff.

Sakto nang bitawan ni Anunoby ang bola ay tumunog ang buzzer, pumasok ito upang ihatid ang defending champion Toronto Raptors sa panalo kontra Celtics, 104-103, sa Game 3 ng kanilang best-of-seven Eastern semifinals series.

Kumana si Kyle Lowry ng 31 points, nag-ambag si Anunoby ng 12 puntos at 10 rebounds at nakaiwas ang Toronto (1-2) na malubog sa serye.

May 0.5 segundo na lang sa orasan lamang ang Boston ng dalawa, 103-101.

Si Lowry ang nag-inbound at nasa harapan niya si 7-foot-5 Celtics center Tacko Fall, pero nakita pa rin nito si Anunoby na nag-aabang sa left corner three-point area kaya ibinato niya ang bola sa kanya.

Pagkasalo ni Anunoby ay agad umere at ipinukol ang panelyong tres.

Nakabangon ang Toronto sa ibinuslo ni Anunoby, kailangan pa nilang manalo sa Game 4 upang itabla ang serye sa 2-2.

Namuno sa opensa para sa Boston si Kemba Walker na may 29 markers. (Elech Dawa)

The post Celtics silat sa tres ni Anunoby first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *