Cebu kakargahin ni Mcaloney

SASANDALAN ng Cebu Casino Ethyl Alcohol Sharks si William Bill Mcaloney pagsagupa sa Pasay Voyagers sa unang laro mamayang alas-4:15 nang hapon sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims sa Makati City Coliseum.

cebu kakargahin ni mcaloney - Cebu kakargahin ni Mcaloney
macoley - Cebu kakargahin ni Mcaloney

Mga laro ngayon: (Makati ­Coliseum)
4:15 p.m. – Pasay vs Cebu
6:45 p.m. – Pasig vs Iloilo
8:45 p.m. – Makati vs ­Muntinlupa

SASANDALAN ng Cebu Casino Ethyl Alcohol Sharks si William Bill Mcaloney pagsagupa sa Pasay Voyagers sa unang laro mamayang alas-4:15 nang hapon sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims sa Makati City Coliseum.

Nanalasa ng big 32 points at 14 ­rebounds ang basketbolista na may 13-of-15 para sa 86% shooting nang sagpangin ng Cebuanos ang Navotas Uni Pak Sardines nitong Miyerkoles, 83-71.

Aagapay sa kanya sina Rhaff Oktubre at Edrian Lao na mga tumapos ng tig-12 points para kunin ang ika-3 sunod na panalo ng Sharks tungo sa 9-10 panalo-talo kartada at ninth spot sa Group B South Division.

Handa namang iresbak nina Alejandrino Inigo at Dhon Reverente ang Pasay tapos kapusin ang ginawa nilang tig-19 markers sa double oevrtime loss kontra Bulacan Kyas, 100-98.

Magtutuos din ang Pasig Sta. Lucia Realtors (13-7)-Iloilo United Royals (11-8) sa alas-6:45 nang gabi, at ang Makati Super Crunch (17-3)­-Muntinlupa ­Cagers (5-15) sa alas-8:45 nang gabi. (­Aivan Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *