Castro, Tropa move on na

PAGKATAPOS ng nakakapigang kampanya sa Pampanga bubble ng PBA Philippine Cup, makakapahinga na rin ang mga kamador ng TNT na may iniinda.

The post Castro, Tropa move on na first appeared on Abante.

castro tropa move on na - Castro, Tropa move on na
Jayson Castro 2 - Castro, Tropa move on na

PAGKATAPOS ng nakakapigang kampanya sa Pampanga bubble ng PBA Philippine Cup, makakapahinga na rin ang mga kamador ng TNT na may iniinda.

Umabot sa Finals ang Tropang Giga bago naubusan sa Ginebra sa limang laro sa Smart 5G-powered AUF Gym sa Angeles City.

Dulo ng best-of-seven opener, inabot ng calf injury si Ray-Ray Parks at hindi na nakabalik sa series.

Si Jayson Castro, inalalayan pabalik ng bench sa kaagahan ng third quarter ng Game 4 at hindi na rin nakapaglaro.

Kalaunan, nakumpirma na may bone spurs sa magkabilang tuhod ang two-time FIBA Asia Best Guard. Sasalang sa operasyon si Castro sa mga susunod na araw.

“’Yung isa (tuhod) muna, then after one week ‘yung isa naman,” pahayag ni coach Bong Ravena.

May ankle pain ding nararamdaman si RR Pogoy pero binuhat ang Tropa sa titular series. Gagamitin nila ni Parks ang break para ipahinga ang mga iniinda.

Balik-praktis ang Tropang Giga sa kalagitnaan ng January, pero bago sumalang ay uumpisahan ng players ang individual workouts.

“Being healthy, in better condition, ang priorities sa ngayon,” dagdag ni Ravena. “Para by the time the next season comes around, we can give ourselves another chance. Hopefully, makabawi kami.” (VE)

The post Castro, Tropa move on na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *