Castro sabik na sa Final Four

ISANG panalo lang ang kinailangan ng No. 1 seed TNT KaTropa para umusad sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup.

The post Castro sabik na sa Final Four appeared first on Abante News Online.

castro sabik na sa final four - Castro sabik na sa Final Four
2019 Abante Basketball - Castro sabik na sa Final Four

ISANG panalo lang ang kinailangan ng No. 1 seed TNT KaTropa para umusad sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Naisahan sila ng Alaska sa unang laro 108-72, pero bumawi ang KaTropa sa pangalawa 104-93.

Kasado ang best-of-five semis ng TNT at defending champion Gineb­ra umpisa ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Noong 2017 Governors Cup pa ang huling biyahe ng KaTropa sa final four.
Kahit si star guard Jayson Castro, hindi makapaniwalang ganun na katagal ang huling sampa nila sa semis.

“Wow! Ganun na katagal?” ani Castro nang ipaalala sa kanya.

Sapul nang mag-PBA noong 2008, nasa TNT na si Castro, third pick ng KaTropa noon.

“Hopefully, umabot din ng finals. Kasi ‘yun ‘yung main goal namin this conference,” giit ni Castro, nagsumite ng 17 points at 6 assists sa series clincher.

Mahalagang papel pa rin ang gagampanan ni Castro sa susunod na yugto, kasama sina Don Trollano, RR Pogoy at Troy Rosario na pang-suporta kay Terrence Jones.

Mapapalaban ang grupo kina Justin Brownlee, Stanley Pringle, Japeth Aguilar, Scottie Thompson at ang sixth-man ng Gins – ang crowd. (Vladi ­Eduarte)

The post Castro sabik na sa Final Four appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *