Castro matindi ang motibasyon

Positibong haharapin ni TNT Tropang Giga pointguard Jayson Castro ang paparating na taon mula sa kanyang mga natutunan at naging karanasan sa nakalipas na isinagawang Philippine Cup bubble.

The post Castro matindi ang motibasyon first appeared on Abante.

castro matindi ang motibasyon - Castro matindi ang motibasyon
abante castro - Castro matindi ang motibasyon

Positibong haharapin ni TNT Tropang Giga pointguard Jayson Castro ang paparating na taon mula sa kanyang mga natutunan at naging karanasan sa nakalipas na isinagawang Philippine Cup bubble.

“Today I will do what others won’t so tomorrow, I will accomplish what other,” sabi ni Castro sa kanyang Instagram account habang kasama nito ang kanyang pamilya sa masayang pagseselebra ng Kapaskuhan.

Aminado si Castro na kinulang ang kanyang paghahanda sa nakalipas na natatanging torneo ng ika-45 season ng PBA kung saan hindi ito nakalaro sa ilang importanteng laban sa kampeonato at hindi nito tuluyang naibigay ang angking husay dahil sa pagkakaroon nito ng injury.

Nabigo ang TNT Tropang Giga kontra sa Barangay Ginebra, 1-4, sa best-of-seven na kampeonato.

Ang naranasan ng isa sa kinikilalang Asia’s Best Guard at beteranong miyembro ng Gilas Pilipinas ay sasandigan nito upang mas mabigyan ng kahalagahan ang kanyang pisikal na katawan at agad na mapaghandaan ang mga inaasahang magaganap na torneo sa susunod na taon ng Metal Ox. (Lito Oredo)

The post Castro matindi ang motibasyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *