Casimero gigil pa kay Inoue

HINDI maka-move on si Filipino world bantamweight champion John Riel Casimero dahil atat pa rin itong matuloy ang unification fight nila ni Japanese star Naoya Inoue.

The post Casimero gigil pa kay Inoue first appeared on Abante.

casimero gigil pa kay inoue - Casimero gigil pa kay Inoue
abante casimero - Casimero gigil pa kay Inoue

HINDI maka-move on si Filipino world bantamweight champion John Riel Casimero dahil atat pa rin itong matuloy ang unification fight nila ni Japanese star Naoya Inoue.

Pakay ng 30-anyos na si Casimero na pagkatapos nitong pagulungin si challenger Duke Micah ng Ghana ay tatargetin nitong makalaban si Inoue.

“I’m so very excited for this fight. If I finish this guy, (Micah) I’m ready for another opponent, maybe Inoue,” hayag ni Casimero sa press conference na ipinalabas sa Fight Hub TV.

Naudlot ang buntalan nina Casimero at Inoue dahil sa ilang mga bagay na hindi pagkakaintindihan kaya naman pinili ng MP Promotions ni world eight-division champion Manny Pacquiao na ilaban na lamang ang kanilang bataan kay 28-year-old Micah.

Itataya ni Casimero (29-4-0, 20 KOs) ang kanyang World Boxing Organization (WBO) bantamweight crown kay Micah (24-0-0, 19 KOs) sa Setyembre 26 sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville, Connecticut. (Elech Dawa)

The post Casimero gigil pa kay Inoue first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *