Caperal sumigla sa Ginebra

TATLONG taon na ang nakakaraan, mukhang patapos na ang PBA career ni Prince Caperal.

The post Caperal sumigla sa Ginebra first appeared on Abante.

caperal sumigla sa ginebra - Caperal sumigla sa Ginebra
abante prince caperal - Caperal sumigla sa Ginebra

TATLONG taon na ang nakakaraan, mukhang patapos na ang PBA career ni Prince Caperal.

Pang-ilalim na siya sa Terrafirma (dating Columbian), binitawan na ang napadpad sa free agent list. Walang kumukuha sa kanya.

Hanggang mapansin ni Barangay Ginebra San Miguel team governor Alfrancis Chua ang pangalan ng 6-foot-7 big man sa listahan.

Out si 7-footer Greg Slaughter noon dahil sa hamstring injury, naghahanap ang Gin Kings ng back-up ni Japeth Aguilar.

“When I saw Caperal who was a free agent then, tinanong ko si Tim (Cone), ‘Baka gusto mo ‘to, tingnan natin,’” tanaw-balik ni Chua.

Kinuha nga ng Ginebra si Caperal, unti-unting nahasa sa ilalim ni Cone.

Nawala si Slaughter nitong nagdaang 45th season, humaba ang minuto ni Caperal sa Pampanga bubble at tinulungan ang Gins na makuha ang Philippine Cup crown noong December. Umani pa ng papuri ang 27-year-old mula sa coach. (Vladi Eduarte)

The post Caperal sumigla sa Ginebra first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *