Canlas, San Beda lalapain ang Perpetual

MAGANDA ang inilaro ng mga bataan ni San Beda University head coach Boyet Fernandez nitong Martes nang talunin nila ang San Sebastian College Stags, 91-76, sa second round ng NCAA 95 basketball tournament.

canlas san beda lalapain ang perpetual - Canlas, San Beda lalapain ang Perpetual
san beda 6 - Canlas, San Beda lalapain ang Perpetual

Mga laro ngayon:

(FilOil Flying V Center)

2:00pm — Perpetual vs San Beda

4:00pm –Mapua vs Jose Rizal

MAGANDA ang inilaro ng mga bataan ni San Beda University head coach Boyet Fernandez nitong Martes nang talunin nila ang San Sebastian College Stags, 91-76, sa second round ng NCAA 95 basketball tournament.

Anim na Red Lions ang umiskor ng 10 pataas, nanguna rito si James Canlas na nagtala ng 20 points at limang assists kaya nasilo nila ang malinis na 13 panalo.

Muling kakapitan ni Fernandez si Canlas at lima pa nitong naging bayani sa huling laban pagharap sa Perpetual Help Altas sa alas-2 ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagsalansan sina Donald Tankoua, Calvin Oftana at AC Soberano ng 18, 15 at 14 markers ayon sa pagkakahilera sa panalo nila kontra Stags. May bakas din sina Evan Nelle ng 11 pts. at Clint Dolinguez na 10 puntos.

“I salute the players for this. They showed what they are capable of,” patungkol ni Fernandez.

Tiyak naman na itotodo ng Altas ang kanilang lakas upang kalsuhan ang kanilang three-game skid, hawak nila ang 3-8 karta.

Samantala, magtatapat sa alas-4 ng hapon ang Mapua Cardinals at Jose Rizal University Heavy Bombers. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *