Canlas halimaw, San Beda 13-0

NANGALABAW sina James Canlas at Donald Tankoua upang tulungan ang defending champion San Beda University Red Lions na sakmalin ang 91-76 panalo kontra tigasin ding San Sebastian College Stags sa 95th NCAA basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

canlas halimaw san beda 13 0 - Canlas halimaw, San Beda 13-0
san beda 5 - Canlas halimaw, San Beda 13-0

Mga laro bukas:

(FilOil Flying V Center)

2:00pm — Perpetual vs San Beda

4:00pm — Mapua vs Jose Rizal

NANGALABAW sina James Canlas at Donald Tankoua upang tulungan ang defending champion San Beda University Red Lions na sakmalin ang 91-76 panalo kontra tigasin ding San Sebastian College Stags sa 95th NCAA basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nirehistro ni Canlas ang 20 points, limang rebounds at apat na assists para sa Mendiola-based squad San Beda na malinis pa rin ang karta sa 13 laro.

Kumana si Tankoua ng 18 pts. at walong rebounds habang 15 markers, walong boards at apat na assists ang inambag ni Calvin Oftana.

“I salute the players for this. They showed what they are capable of,” ani head coach Boyet Fernandez.

Sa second game, tinuhog ng Letran Knights ang pangalawang sunod na panalo matapos payukuin ang College of Saint Benilde Blazers, 87-74.

Nagpakitang-gilas sina Ato Ular at Fran Yu matapos magtala ng 20 at 19 markers ayon sa pagkakasunod upang tulungan ang Intramuros-based squad Letran na ilista ang 9-4 karta at palakasin ang kapit sa third spot ng team standings.

Sa ikatlong laban kagabi, tinambakan ng Mapua Cardinals ang Arellano University Chiefs, 93-67.

All-around game ang kinana ni Justin Serrano para sa Mapua sa nirehistrong 15 points, 8 rebounds at 2 assists para ibigay sa Cardinals ang 6-6 panalo-talo baraha.

Laglag naman sa 3-10 marka ang Arellano. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *