Canaleta, Trollano nambarako: Bossing sinagasaan ang Road Warriors

NAGTULONG sina KG Canaleta at Don Trollano upang bitbitin pabalik sa panalo ang Blackwater Bossing Sabado ng hapon sa pagtatala ng 98-88 pagwawagi kontra NLEX Road Warriors sa eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cu sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Clark, Pampanga.

The post Canaleta, Trollano nambarako: Bossing sinagasaan ang Road Warriors first appeared on Abante.

canaleta trollano nambarako bossing sinagasaan ang road warriors - Canaleta, Trollano nambarako: Bossing sinagasaan ang Road Warriors
BlackWater - Canaleta, Trollano nambarako: Bossing sinagasaan ang Road Warriors

Mga Laro Ngayon: (AUF Gym/Clark)

4:00pm — Rain or Shine vs NorthPort

6:45pm — Ginebra vs Meralco

NAGTULONG sina KG Canaleta at Don Trollano upang bitbitin pabalik sa panalo ang Blackwater Bossing Sabado ng hapon sa pagtatala ng 98-88 pagwawagi kontra NLEX Road Warriors sa eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cu sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Clark, Pampanga.

Nagbuhos si Canaleta ng 18 puntos kasama ang 7 rebounds at 1 steal tampok ang 4-of-9 sa tres habang may 18 puntos din si Trollano pati na rin 11 rebounds para sa Bossing na pinaganda ang kartada sa 1-1.

“Hindi naman kasi kami mataas na team kaya kailangan namin na bumato sa tres. Iyun ang isa sa kailangan namin para manalo,” sabi ni Canaleta.

Ibinuhos ng Blackwater ang kabuuang 35 puntos sa ikatlong yugto habang nilimitahan lamang sa 16 puntos ang NLEX upang kontrolin na ang laro tungo sa pag-ahon sa nalasap na huling pagkatalo at kapitan ang ikalawang panalo sa loob ng tatlong laro.

Isang tres ni Trollano ang nagtulak sa Bossing sa pinakamalaking 24 puntos na abante sa ikaapat na yugto sa iskor na 93-69.

Nalasap naman ng Road Warriors ang ikatlong sunod nitong kabiguan sa torneo.

Naging mahigpit ang kabuuan ng unang hati matapos na kapwa magpilit na lumayo ang NLEX at Blackwater.

Unang nagtala ng pitong puntos na abante ang Road Warriors sa 5:31 minuto ng first quarter sa iskor na 13-6 mula sa jumper ni Mike Ayonayon.

Gayunman, bumawi agad ang Blackwater na itinala ang 10 puntos na abante sa ikalawang yugto tampok ang dalawang free throw ni Marion Magat, 27-17, may 8:38 minuto.

Natapos ang unang hati na pantay ang iskor sa 46. (Lito Oredo)

The post Canaleta, Trollano nambarako: Bossing sinagasaan ang Road Warriors first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *