Calvin ‘susuka’ ng P50K kada technical

POSITIBO si coach Louie Alas na aalisin na rin ng PBA ang indefinite suspension ni Calvin Abueva.

The post Calvin ‘susuka’ ng P50K kada technical first appeared on Abante.

calvin susuka ng p50k kada technical - Calvin ‘susuka’ ng P50K kada technical
abante calvin abueva - Calvin ‘susuka’ ng P50K kada technical

POSITIBO si coach Louie Alas na aalisin na rin ng PBA ang indefinite suspension ni Calvin Abueva.

Tiwala rin ang Phoenix mentor na pagbalik ay mas malamig na ang ulo sa laro ng kanyang do-it-all forward.

Winarningan na raw ng liga si Abueva, mas mabigat na penalty kapag naulit.

“Sobrang stiff ‘yun magiging fines ni Calvin, just in case magkamali ulit,” pahayag ni Alas. “So if I were Calvin, matatakot akong gawin dahil sobrang masakit sa bulsa.”

Hindi pa naman daw pormal, pero nabanggit daw ito ng isang top ranking league official kay Phoenix manager Paolo Bugia.

“Para siguro kapag may ipinataw kay Calvin, in case, hindi na mabibigla,” paliwanag ni Alas.

Matagal na raw ipinarating ang warning, hindi pa nakukumpleto ng The Beast ang psychological tests na binigay sa kanya.

“Something like P50,000 yata isang technical (foul) pa lang,” dagdag ng coach.

Nasunod daw ni Calvin ang mga kondisyon ng liga, pati mga hindi ipinapagawa ay nagkusa.

“Tulad na lang ng mga outreach, tulong sa mga frontliners ngayong pandemic. Kusang-loob lang ‘yung tao,” giit ni Alas.

Hinihintay na lang ni Calvin at ng Fuel Masters ang desisyon ni commissioner Willie Marcial kung i-re-reinstate ang forward.

“Bakit nila ipapagawa lahat ‘yun kung wala talagang tsansang pabalikin, ‘di ba?” rason ni Alas. (VE)

The post Calvin ‘susuka’ ng P50K kada technical first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *