Calvin, Phoenix kapit sa Top 4

KINAPOS si Calvin Abueva ng dalawang assists para itala ang ikalawa sana nitong triple-double upang tulungan ang Phoenix Super LPG sa 100-95 panalo kontra napatalsik na Blackwater Elite sa eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cup bubble sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

The post Calvin, Phoenix kapit sa Top 4 first appeared on Abante.

calvin phoenix kapit sa top 4 - Calvin, Phoenix kapit sa Top 4
abante calvin 5 - Calvin, Phoenix kapit sa Top 4

KINAPOS si Calvin Abueva ng dalawang assists para itala ang ikalawa sana nitong triple-double upang tulungan ang Phoenix Super LPG sa 100-95 panalo kontra napatalsik na Blackwater Elite sa eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cup bubble sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

Nagtala si Abueva ng 17 puntos, 13 rebounds, 8 assists, 2 steals at 2 blocks upang pamunuan ang Fuel Masters sa ikatlong sunod na panalo at makisalo sa tatlong koponang liderato sa kabuuang 7-3 panalo talong kartada patungo sa matira-matibay na quarterfinals.

Nag-ambag sina Jason Perkins ng 18 puntos, 12 rebounds at 2 assists habang may 17 puntos, 6 rebounds, 5 assists at 1 steal si Matthew Wright para sa Phoenix.

Tumulong din si Bryan Heruela ng 15 puntos, 7 rebounds, 2 assists at 1 steal.

Nalasap ng Blackwater ang ikapitong sunod na kabiguan at naghulog dito sa 2-8 panalo-talong kartada upang agad na mapatalsik sa sunod na labanan.

Agad na ibinuhos ng Blackwater ang 8-0 bomba tungo sa pagtatala ng 11 puntos na abante sa 3:14 minuto ng unang yugto, 18-7, mula sa lay-up ni Ed Daquioag.

Gayunman, agad na bumalikwas ang Fuel Masters kung saan nagawa pa maagaw ang isang puntos na abante sa ikalawang yugto sa lay-up ni RJ Jazul sa 24-23, 7:24 minuto sa quarter, bago na lamang muling umatake ang Elite na itinala ang mas malaking 13 puntos na abante sa pagtatapos ng first half sa 42-29. (Lito Oredo)

The post Calvin, Phoenix kapit sa Top 4 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *