Calvin pasok sa lineup ng Phoenix

MAY asterisk sa pangalan ni Calvin Abueva sa lineup ng Phoenix Super LPG para sa PBA restart.

The post Calvin pasok sa lineup ng Phoenix first appeared on Abante.

calvin pasok sa lineup ng phoenix - Calvin pasok sa lineup ng Phoenix
abante calvin abueva 2 - Calvin pasok sa lineup ng Phoenix

MAY asterisk sa pangalan ni Calvin Abueva sa lineup ng Phoenix Super LPG para sa PBA restart.

Makakalaro na kaya ang do-it-all forward?

Kahapon ng tanghali ay inilabas na ng PBA ang official roster ng 12 teams na magbubuno sa Clark bubble umpisa sa Oct. 11. Sa AUF gym lahat ng mga laro, double-header araw-araw.

Fourteen lang ang nasa lineup ng Fuel Masters, kasama si Abueva.

Pagkatapos ng pangalan ni Calvin, may star sa dulo.

Sa ibaba ang paliwanag na “eligible to play upon completion of requirements.”

Pumasok sa bubble si Abueva noong Martes, matapos ang mandatory 48-hour isolation ay nakipag-scrimmage sa mga kakampi.

Hindi pa sinasagot ni commissioner Willie Marcial ang tanong kung i-li-lift na ang indefinite suspension kay Abueva. June 2019 nang magarahe ang The Beast matapos bigyan ng clothesline ang noo’y TNT import na si Terrence Jones sa Commissioner’s Cup.

Hindi rin sinasabi ni Marcial kung ano ang requirements na ipinapagawa kay Calvin.

Lunes ay sinimulan ni Abueva ang online seminar sa Professional Athlete’s Code of Conduct and Ethical Standards sa GAB. Bahagi ito ng proseso para ibalik ng ahensiya ang kanyang professional license.

Kailangan din niyang sumailalim sa drug testing. (VE)

The post Calvin pasok sa lineup ng Phoenix first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *