Calvin ‘lalatiguhin’ ng Phoenix

Calvin ‘lalatiguhin’ ng Phoenix

DISMAYADO ang Phoenix Fuel Masters sa kumalat na balitang nag- laro sa ligang labas si Calvin Abueva. Noong June ay binagsakan ng PBA ng indefinite suspension ang The Beast pagkatapos ng clothesline kay TNT import Terrence Jones, dumagdag pa ang pinakitang hindi magandang asal sa isang female fan, si Maika Rivera na girlfriend ni Blackwater rookie Bobby Ray Parks.

The post Calvin ‘lalatiguhin’ ng Phoenix appeared first on Abante News Online.

calvin lalatiguhin ng phoenix - Calvin ‘lalatiguhin’ ng Phoenix
calvin 1 - Calvin ‘lalatiguhin’ ng Phoenix

DISMAYADO ang Phoenix Fuel Masters sa kumalat na balitang nag- laro sa ligang labas si Calvin Abueva. Noong June ay binagsakan ng PBA ng indefinite suspension ang The Beast pagkatapos ng clothesline kay TNT import Terrence Jones, dumagdag pa ang pinakitang hindi magandang asal sa isang female fan, si Maika Rivera na girlfriend ni Blackwater rookie Bobby Ray Parks.

Nagbigay ng letter of apology si Abueva kay PBA commissioner Willie Marcial, pero hindi pa nali-lift ang suspension.

Halatang hindi alam ng Phoenix na naglaro sa isang liga sa Rizal ang kanilang forward.

“The Phoenix Fuel Masters are deeply disappointed upon learning of Calvin Abueva’s participation in an unsanctioned ‘ligang labas’ game in Montalban, Rizal,” bahagi ng statement ng team.

Sa social media, lumabas ang videos at photos ni Abueva na naglalaro para sa San Isidro team sa Rizal.

“This news is not only breach to team policies and rules, but also a stark contrast of how we wish to exude our players, especially Calvin,” dagdag ng Phoenix.

Balak daw pagmultahin ng team si Abueva, kapag may nangyari pang katulad na insidente ay mas mabigat na parusa na ang ibibigay.

Pinagbabawalan ng PBA ang mga player na maglaro ibang liga ma-liban kung may clea-rance mula sa mother team. (Vladi Eduarte)

The post Calvin ‘lalatiguhin’ ng Phoenix appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *