Caguioa babawian si Helterbrand

NASA courtside ng Smart Araneta Coliseum si Jayjay Helterbrand nitong Biyernes, pinanood ang dating team na Ginebra na nakipagsalpukan sa TNT KaTropa sa Game 1 ng PBA Commissioner’s Cup semifinals.

The post Caguioa babawian si Helterbrand appeared first on Abante News Online.

caguioa babawian si helterbrand - Caguioa babawian si Helterbrand
abante mark caguioa cocaine drugs - Caguioa babawian si Helterbrand

NASA courtside ng Smart Araneta Coliseum si Jayjay Helterbrand nitong Biyernes, pinanood ang dating team na Ginebra na nakipagsalpukan sa TNT KaTropa sa Game 1 ng PBA Commissioner’s Cup semifinals.

Maya’t maya ay napa­pangiti si Helterbrand lalo kapag nasa loob ang kasanga niya dating si Mark Caguioa. Silang dalawa ang bumuo ng Fast and Furious tandem ng Gin Kings hanggang magretiro si Helterbrand noong 2017.

Ngayon ay naglalaro na muli si Helterbrand para sa Imus Bandera sa MPBL.
“Oh, sure, of course,” sagot ni Caguioa nang matanong kung papanoorin din ang laro ng kaibigan. “I’m always there to support him. If he has any games coming up, I’ll be there to watch him.”

Mas masaya sigurong lumabas ng Big Dome si Helterbrand kung naba­ligtad ang resulta ng 95-93 loss ng dating team.

Si Caguioa, nakapagsumite ng 7 points sa 3 of 4 shooting sa loob ng halos 12 minutes.

Hindi na nasorpresa si Caguioa na bumalik mula retirement si Helterbrand. Kaya pa daw maglaro ng 42-anyos na kaibigan.

“He still wants to play basketball,” ani Caguioa na 39 na din. “He wanted to go somewhere where he could play.” (Vladi Eduarte)

The post Caguioa babawian si Helterbrand appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *