Cabrira, iba pa panauhin sa TOPS ‘Usapang Sports’

PANAUHIN para sa 33rd edition ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ ang mga opis­yales ng National Muay Thai Kickboxing Council of the Philippines (NMKBCP) maging ang koponan ng San Beda Red Cubs, Huwebes, Agosto 1 sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

cabrira iba pa panauhin sa tops usapang sports - Cabrira, iba pa panauhin sa TOPS ‘Usapang Sports’
tops - Cabrira, iba pa panauhin sa TOPS ‘Usapang Sports’

PANAUHIN para sa 33rd edition ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ ang mga opis­yales ng National Muay Thai Kickboxing Council of the Philippines (NMKBCP) maging ang koponan ng San Beda Red Cubs, Huwebes, Agosto 1 sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Tatalakayin nina NMKBCP founder Emmanuel Sabrine at secretary-general Emma­nuel Cabrira ang nalalapit na 2019 Southeast Asia Fightin­g Championship 62 sa Mall of Asia Arena.

Makakasama rin ng mga ito sa weekly forum sina Sky Enterprises president Limuel Valla at vice president Roland Pangilinan, Victor Dela Riva at Yawyan Marven Dacuyan.

Bisita rin sa 10:00am sports session na inis­ponsoran ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association si Underground Battle founder Ferdie Munsayac.

A-attend rin sa forum ang San Beda Red Cubs, sa pangunguna ni head for basketball operations Ato Badolato, coach Manu Iñigo at mga player na sina Justine Sanchez at Prince Ray Alao.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officer at member na dumalo sa session na mapapanood rin sa Facebook live via Glitter Livestream. (Janiel Abby Toralba)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *