Cabagnot alanganin pa rin dahil sa injury

Smart Clark Giga City – Nadagdagan pa ang injury problems San Miguel Beermen bago pa hinarap ang Meralco sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup noong Biyernes sa Pampanga bubble.

The post Cabagnot alanganin pa rin dahil sa injury first appeared on Abante.

cabagnot alanganin pa rin dahil sa injury - Cabagnot alanganin pa rin dahil sa injury
cabbaggie - Cabagnot alanganin pa rin dahil sa injury

Smart Clark Giga City – Nadagdagan pa ang injury problems San Miguel Beermen bago pa hinarap ang Meralco sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup noong Biyernes sa Pampanga bubble.

Huwebes ay hindi na nag-ensayo si Alex Cabagnot dahil may strained hamstring.

Dumating sa Smart 5G-powered AUF gym ang veteran guard, pero pinanood na lang ang 78-71 loss ng Beermen.

Kagandahan, twice-to-beat ang No. 4 San Miguel kaya may isa pa silang tsansa.

Problema ay day-to-day si Cabagnot kaya hindi pa sigurado kong makakalaro sa do-or-die match 6:45 mamayang gabi.

Elimination round pa lang ay may iniinda na sina Chris Ross at Marcio Lassiter, parehong hindi pa 100 percent.

Bago ang season ay out na si June Mar Fajardo (fractured shin), maaga ring nag-exit sa bubble si Terrence Romeo (dislocated shoulder).

Next man up si coach Leo Austria para paypayan ang paghahabol sa pang-anim na sunod na all-Filipino title.

“We’re not healthy,” pag-amin ni Austria. “We want to manage their condition.” (VE)

The post Cabagnot alanganin pa rin dahil sa injury first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *