Buwelta nina Jokic, Murray ‘di naawat ng Clippers

NIRESBAKAN ng Denver ang Los Angeles Sabado ng gabi sa Orlando bubble.

The post Buwelta nina Jokic, Murray ‘di naawat ng Clippers first appeared on Abante.

buwelta nina jokic murray di naawat ng clippers - Buwelta nina Jokic, Murray ‘di naawat ng Clippers
Denver - Buwelta nina Jokic, Murray ‘di naawat ng Clippers

NIRESBAKAN ng Denver ang Los Angeles Sabado ng gabi sa Orlando bubble.

Ibinaon ni Jamal Murray ang step-back sa harap ni Kawhi Leonard, sinundan ng dagger basket ni Gary Harris at kinubra ng Nuggets ang 110-101 victory para itabla ang NBA West second round series sa tig-isang laro.

Agawang muli sa trangko sa Game 3 bukas ang dalawang team sa ESPN Wide World of Sports Complex.

Nag-crossover si Harris kay Patrick Beverley bago pinakawalan ang tres na bumasag sa scoring ng laro. Naglista ng 44 points sa first quarter ang Nuggets at kumampay sa panalo.

Inari nina Murray at Nikola Jokic ang 44 sa 53 points ng Denver sa first half. May 24 points at 10 rebounds na si Jokic sa break tungo sa 26 at 18. Tumapos si Murray ng game-high 27 points mula 10 of 21 shooting, may 6 assists pa.

Nadiyeta sa 13 points si Leonard na 4 of 17 sa field, bagama’t may 10 rebounds at 8 assists. Nagsumite ng 22 markers at 8 boards si Paul George sa LA.

Sa fourth, dalawang beses naibaba ng Clippers ang hinahabol na 23 sa lima, pero hanggang doon na lang. (Vladi Eduarte)

The post Buwelta nina Jokic, Murray ‘di naawat ng Clippers first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *