Butler umulit ng triple double: Heat pinigil ang party ng Lakers

SINIGURO ni Jimmy Butler at ng Miami Heat na may Game 6 pa ang NBA Finals.

The post Butler umulit ng triple double: Heat pinigil ang party ng Lakers first appeared on Abante.

butler umulit ng triple double heat pinigil ang party ng lakers - Butler umulit ng triple double: Heat pinigil ang party ng Lakers
abante jimmy butler 2 - Butler umulit ng triple double: Heat pinigil ang party ng Lakers

SINIGURO ni Jimmy Butler at ng Miami Heat na may Game 6 pa ang NBA Finals.

Kumubra si Butler ng 35-point triple-double na sinahugan ng tig-11 rebounds at assists para igapang ang Heat sa 111-108 win kontra Los Angeles Biyernes ng gabi sa Orlando.

Napigil ang taas ng 17th banner ng Lakers sa kabila ng maangas ding double-double game nina LeBron James at Anthony Davis.

Game 6 bukas.

Kitang ayaw pang umuwi ng Heat, anim na players ni coach Erick Spoelstra ang nagsumite ng double digits. Lahat ng starters, umiskor ng 12 pataas.

Tumikada si Duncan Robinson ng 26 points, may 13 si Bam Adebayo, 12 at 11 pa kina Tyler Herro at Jae Crowder. Bumakas ng 14 off the bench si Duncan Robinson.

Sa kabila, nagsumite si LeBron ng 40-13-7, may 28 points at 14 rebounds si Davis.

Umagwat ng 11 ang Heat, pero mula third quarter ay swing na ang bakbakan.

Napigil pa ang hininga ng LA bench nang bumagsak si Davis, hawak agad ang paa, sa kalagitnaan ng first quarter. Nakabalik din siya at tinapos ang laro, pero halatang iika-ika sa dulo.

Pumasok ng final period ang Miami hawak ang manips na 88-82 lead. Binigay na lahat ni James pero hindi pa rin nakumpleto ng Lakers ang panalo. (VE)

The post Butler umulit ng triple double: Heat pinigil ang party ng Lakers first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *