Butler pinausok ang Heat sa OT

HUMUGOT ng lakas ang Miami Heat kay Jimmy Butler upang itarak ang 117-114 overtime win laban sa Boston Celtics kahapon sa Game 1 ng 2019-2020 NBA Eastern Conference Finals.

The post Butler pinausok ang Heat sa OT first appeared on Abante.

butler pinausok ang heat sa ot - Butler pinausok ang Heat sa OT
Jimy Butler - Butler pinausok ang Heat sa OT

HUMUGOT ng lakas ang Miami Heat kay Jimmy Butler upang itarak ang 117-114 overtime win laban sa Boston Celtics kahapon sa Game 1 ng 2019-2020 NBA Eastern Conference Finals.

Dalawang clutch three-point ang sinalpak ni Butler upang akbayan ang Heat sa 1-0 bentahe sa kanilang best-of-seven series.

Tumikada si Butler ng 20 points at tig-limang rebounds at assists para sa Miami, na bahagyang lumakas ang tsansa sa asam na makalaro sa championship.

May 22 segundo sa fourth quarter nang kumana si Butler ng tres para makalamang ng isang puntos, pero nauwi pa rin sa overtime.

Muling tumikada ng tres si Butler sa extra period para ilagay muli sa tuktok ang Heat, 116-114, may 12 segundo na lang sa orasan.

May tsansa sanang magkaroon ng second OT pero binutata ni Miami center Ben Adebayo si Jayson Tatum.

Namuno sa opensa para sa Heat si Goran Dragic na may 29 markers habang may 20 at 18 puntos sina Jae Crowder at Adebayo, ayon sa pagkakasunod.

Si Tatum ang nanguna sa Celtics na may 30 marka at 4 boards. (Elech Dawa)

The post Butler pinausok ang Heat sa OT first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *