Butler pasiklab ng triple double

ITINUMBA ng smiling assassin ng Heat sina Lakers superstars LeBron James at Anthony Davis sa Game 3 ng NBA Finals Linggo ng gabi sa Orlando bubble.

The post Butler pasiklab ng triple double first appeared on Abante.

butler pasiklab ng triple double - Butler pasiklab ng triple double
JIMMY - Butler pasiklab ng triple double

INIT NG HEAT NANUMBALIK

ITINUMBA ng smiling assassin ng Heat sina Lakers superstars LeBron James at Anthony Davis sa Game 3 ng NBA Finals Linggo ng gabi sa Orlando bubble.

Mula tipoff ay hindi naalis ang ngiti ni Jimmy Butler, kahit wala sina Bam Adebayo at Goran Dragic sa pangalawang laro ay nagawang itakbo ng Miami ang 115-104 win.

Inakalang wawalisin ng Los Angeles ang Heat, pero hindi pumayag ang crew ni coach Erik Spoelstra.

Sa likod ng triple-double na 40 points, 11 rebounds at 13 assists ni Butler ay idinikit ng Miami ang series 2-1, susubukang ibuhol sa Game 4 bukas.

“Win,” simpleng tugon ni Butler nang tanungin ang mindset papasok ng laro. “I don’t care about a triple-double, I don’t care about none of that. I really don’t. I want to win.”

Naigapos sa combined 40 points sina James at Davis. Tumapos ng 25 markers, 10 boards at 8 dimes si LeBron, maagang na-foul trouble si Davis at nawala sa ritmo.

May tig-19 sina reserves Markieff Morris at Kyle Kuzma, pero hindi sapat ang produksiyon ng star duo ng Lakers.

Nakapag-deliver ng 17 points off the bench si Kelly Olynyk para sa Heat, umiskor pa ng double digits ang tatlong starters na sina Tyler Herro (17), Duncan Robinson (13) at Jae Crowder (12).

Agresibo sa umpisa pa lang si Butler, pero mukhang kalmado.

Nagbaon si Butler ng basket para ilayo ang Miami ng siyam papasok ng final minute, pagkatapos ay mababasa sa kanyang bibig na sinasabi: “They’re in trouble.” (VE)

The post Butler pasiklab ng triple double first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *