Butler niratrat ang Milwaukee

LIYAMADO ang Milwaukee Bucks sa Miami Heat bago nagsimula ang Game 1 ng 2019-2020 NBA second round playoffs dahil kay reigning Most Valuable Player (MVP) Giannis Antetokounmpo?

The post Butler niratrat ang Milwaukee first appeared on Abante.

butler niratrat ang milwaukee - Butler niratrat ang Milwaukee
jimmy butler - Butler niratrat ang Milwaukee

LIYAMADO ang Milwaukee Bucks sa Miami Heat bago nagsimula ang Game 1 ng 2019-2020 NBA second round playoffs dahil kay reigning Most Valuable Player (MVP) Giannis Antetokounmpo?

Mabilis nagbago ang ihip ng hangin.

Humarabas si Jimmy Butler ng playoff career-high 40 points upang akbayan ang Miami sa 115-104 panalo sa Milwaukee at ilista ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-seven second round series kahapon sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Kinain ni Butler ang depensa ng Bucks sa homestretch ng laban, nagtala ng 13 sa huling 16 puntos ng Heat.

Bumakas si Goran Dragic ng 27 marka para sa Heat habang double-double na 12 markers at 17 rebounds ang kinana ni Bam Adebayo.

Kinapos naman ang 18 markers at 10 boards ni Antetokounmpo para itaguyod sa panalo ang Bucks. (Elech Dawa)

The post Butler niratrat ang Milwaukee first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *