Butler, Heat tinusta Bucks

IBINAON ng Miami Heat ang Eastern Conference topnotcher Milwaukee Bucks matapos hablutin ang 115-100 panalo sa Game 3 ng 2019-2020 NBA second round playoff kahapon sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

The post Butler, Heat tinusta Bucks first appeared on Abante.

butler heat tinusta bucks - Butler, Heat tinusta Bucks
Miami Heat - Butler, Heat tinusta Bucks

IBINAON ng Miami Heat ang Eastern Conference topnotcher Milwaukee Bucks matapos hablutin ang 115-100 panalo sa Game 3 ng 2019-2020 NBA second round playoff kahapon sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Natusta ang Bucks matapos mag-init sina Jimmy Butler, Bam Adebayo at Jae Crowder sa huling dalawang minuto ng labanan.

Nagtala si Butler ng 30 points, may double-double na 20 puntos at 14 rebounds si Adebayo habang 17 markers ang inambag ni Crowder upang ilista ang 3-0 bentahe ng Miami sa kanilang best-of-seven series.

Lupaypay ang balikat ng Bucks nang isalpak ni Crowder ang pandiin na tres mula sa assist ni Butler, lumamang sila ng pitong puntos, 107-100 wala ng dalawang minuto sa orasan.

Isang hakbang na lang at tutungo na sa Eastern Conference finals ang Heat.

Tumikada ang reigning Most Valuable Player (MVP) Giannis Antetokounmpo ng 21 puntos at 16 boards para sa Bucks na bawal nang kumurap sa Game 4. (Elech Dawa)

The post Butler, Heat tinusta Bucks first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *