Butler, Heat iwas-hukay

PINATUNAYAN ng Miami na kayang talunin ang Lakers kahit pasabog ang laro nina LeBron James at Anthony Davis.

The post Butler, Heat iwas-hukay first appeared on Abante.

butler heat iwas hukay - Butler, Heat iwas-hukay
jimmy 1 - Butler, Heat iwas-hukay

PINATUNAYAN ng Miami na kayang talunin ang Lakers kahit pasabog ang laro nina LeBron James at Anthony Davis.

Ginawa ‘yun ng Heat sa 111-108 win sa Game 5 noong Biyernes para idikit ang NBA Finals series deficit sa 3-2.

Nasa hukay pa rin ang isang paa ng Miami papasok sa Game 6 ngayon ay do-or-die.

Sasandalan ng Heat ang momentum ng Game 5 win para ilipat ang pressure sa Los Angeles.

Tinapatan ni Jimmy Butler ng 35 points, 12 rebounds at 11 assists ang 40-13-7 ni LeBron.

Ang role players ng Heat, nagpakita rin tulad nina Duncan Robinson (26 points), Kendrick Nunn (14 points), Tyler Herro at Jae Crowder. May 11 points din si Bam Adebayo.

Napupunan ng backups ang kakulangan ng pagkawala ni starting guard Goran Dragic na inabot ng injury sa paa noong Game 1.

Kuwestiyonable pa rin si Dragic sa Game 6 ngayon, pero kahit wala ay all-out ang Heat para mapuwersa ang winner-take-all sa Miyerkoles. (Vladi Eduarte)

The post Butler, Heat iwas-hukay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *