Butler, Adebayo, Miami reresbak

IISANG chapter pa lang ang natatapos, mukhang tapos na ang NBA Finals.

The post Butler, Adebayo, Miami reresbak first appeared on Abante.

butler adebayo miami reresbak - Butler, Adebayo, Miami reresbak
Miami Heat 1 - Butler, Adebayo, Miami reresbak

IISANG chapter pa lang ang natatapos, mukhang tapos na ang NBA Finals.

Kung titignan ang nangyari sa Game 1, madaling madidiskaril ang Miami.

Bagsak ang tatlong star ng Heat, na-massacre ang Miami 116-98 kina LeBron James, Anthony Davis at Lakers.

Kung hindi 100 percent sina Jimmy Butler, Bam Adebayo at Goran Dragic, mukhang mapapadali ang pagre-regalo ng ring sa Los Angeles.

Pumasok sa serye na underdogs, lalo pang na-dehado ang Miami.

Sa first half, natapilok si Butler pero tulad ng magiting na mandirigma, nanatili sa laro ang 31-year-old at tumapos ng 23 points. Pero halatang pigil na ang galaw pagbalik mula sa break.

Si Dragic, hindi na lumabas pagkatapos ng halftime. Ayon sa ulat, inabot daw ang guard ng torn planter fascia sa kaliwang paa. Nagkasya lang siya sa 6 points.

Ire-re-evaluate si Dragic, hindi nawawalan ng pag-asa ang Heat na makakabalik siya sa series.

Sa third quarter, sadsad si Adebayo nang makaldag ni Dwight Howard. Mukhang inabot ang dati nang left shoulder injury ng big man, lumabas sa laro na may 8 points, 4 rebounds lang sa loob ng 21 minutes.

Ayon sa The Associated Press, plano raw ni Adebayo na maglaro sa Game 2 ngayon. (VE)

The post Butler, Adebayo, Miami reresbak first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *