‘Butas’ ni Casimero tutuklasin ni Micah

PINAPLANONG mabuti ng kampo ni Duke Micah ng Ghana ang laban nito kay Flilipino world bantamweight champion John Riel Casimero upang makapagtala ng malaking upset.

The post ‘Butas’ ni Casimero tutuklasin ni Micah first appeared on Abante.

butas ni casimero tutuklasin ni micah - ‘Butas’ ni Casimero tutuklasin ni Micah
abante boxinbg - ‘Butas’ ni Casimero tutuklasin ni Micah

PINAPLANONG mabuti ng kampo ni Duke Micah ng Ghana ang laban nito kay Flilipino world bantamweight champion John Riel Casimero upang makapagtala ng malaking upset.

Alam ng dating chief trainer ni Micah na si Carl Lokko na ngayon ay Technical Director ng Ghana Boxing Authority na may kalalagyan ang kanilang alaga sa Pinoy boxer.

Kaya naman isa sa strategy ay maging agresibo agad si Micah at kontrolin nito ang laban sa simula ng kanilang title fight.

“It is going to be tough for Duke but I know he can deliver,” hayag ni Lokko. “He must work extra hard to win the fight because Casimero is very good.”

Itataya ni Casimero ang kanyang 29-4-0, 20 KOs record kasama ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) bantamweight crown kay Micah (24-0-0, 19 KOs) sa Setyembre 26 sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville, Connecticut.

Si Casimero ay nasa ilalim ng MP Promotions ni world eight-division champion Manny Pacquiao, nakaraan taon lamang ay pinagulong nito si Zolani Tete. (Elech Dawa)

The post ‘Butas’ ni Casimero tutuklasin ni Micah first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *