Buong mundo tutok sa NBA

NAGSIMULA nang muli ang NBA nitong Biyernes.

buong mundo tutok sa nba - Buong mundo tutok sa NBA
ringless - Buong mundo tutok sa NBA

NAGSIMULA nang muli ang NBA nitong Biyernes.

Maraming natuwa at may mapapanood na muling aksiyon ang mga sports fan lalo na mga patay na patay sa basketball.

Maraming salamat sa Smart, Cignal TV, TV5 at One Sports, lahat mga kasapi sa payong ng mga kumpanya ni Manny Pangilinan.

Hindi lang sa ating bansa kundi ang buong kamunduhan ng sports ay nakatutok sa NBA na nagtayo ng tinatawag na ‘bubble’ sa Orlando.

Sarili nilang mundo na tinitiyak ng liga na hindi maaapektuhan ng COVID-19.

Sa kanilang huling pag-test ng 344 players bago ang pagsimula ng mga ensayo, walang nakitang positibo sa coronavirus ang NBA.

Tiyak pati sa mga coach at utility staff ng mga team, maging sa mga media at NBA personnel.

Lahat ng mata sa sports ay nakatuon sa NBA sa simpleng dahilang maraming maaaring matutunan ang lahat pagdating sa health at safety protocols ukol sa pagbabalik ng mga larong sa panahon ngayon ng pandemya kung saan wala pa ring lumalabas na bakuna para sa coronavirus.

Maging sa pag-simulate ng mga fan sa venue sa pamamagitan ng mga videos at sounds ay pinapansin nang husto.

Naway magtagumpay ang NBA restart na ito.

Sana sa ‘di katagalan, PBA naman ang ating matutunghayan magbalik.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *