Bulls sinuwag ang Wizards: Triple ‘D’ ni Russell panis sa Chicago

NAGSANIB-PUWERSA sina Zach Lavine at Otto Porter Jr. upang tulungan ang Chicago Bulls na suwagin ang 133-130 panalo laban sa Washington Wizards sa 2020-2021 NBA regular season kahapon.

The post Bulls sinuwag ang Wizards: Triple ‘D’ ni Russell panis sa Chicago first appeared on Abante.

bulls sinuwag ang wizards triple d ni russell panis sa chicago - Bulls sinuwag ang Wizards: Triple ‘D’ ni Russell panis sa Chicago
russ 1 - Bulls sinuwag ang Wizards: Triple ‘D’ ni Russell panis sa Chicago

NAGSANIB-PUWERSA sina Zach Lavine at Otto Porter Jr. upang tulungan ang Chicago Bulls na suwagin ang 133-130 panalo laban sa Washington Wizards sa 2020-2021 NBA regular season kahapon.

Tumikada si Porter ng double-double na 28 points at 12 rebounds habang 22 ang inambag ni LaVine para sa Bulls na ibinaon ang Wizards.

Kumayod ng triple-double si Russell Westbrook na 22 points, 11 assists at 10 boards pero kapos pa rin para akbayan ang Washington sa kanilang unang panalo.

Napaganda ng Bulls ang kanilang karta, may dalawang panalo na sila sa limang salang habang ang Wizards ay nananatiling bokya sa apat na laro.

Abante ang Chicago ng 71-68 sa halftime subalit nalusaw agad ito, humarurot ang Wizards ng 8-0 sa pagbubukas ng third canto para sa 76-71 bentahe.

Kailangan nang manalo ng Washington sa kanilang susunod na laban upang hindi masyadong mabaon sa ilalim ng team standings sa Eastern Conference. (Elech Dawa)

The post Bulls sinuwag ang Wizards: Triple ‘D’ ni Russell panis sa Chicago first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *