Buitre, UP tinagpas ulit ang UE sa 5-set

Pinamunuan ni vete­ran skipper Marian Bui­tre ang atake ng University of the Philippines upang muling tagpasin sa marathon match ang University of the East, 25-23, 20-25, 25-23, 24-26 15-11, sa UAAP season 81 women’s indoor volleyball tournament second round eliminations Miyerkoles ng hapon sa FilOil Flying V Centre.

The post Buitre, UP tinagpas ulit ang UE sa 5-set appeared first on Abante News Online.

buitre up tinagpas ulit ang ue sa 5 set - Buitre, UP tinagpas ulit ang UE sa 5-set
Abante 2019 Marian Bui­tre - Buitre, UP tinagpas ulit ang UE sa 5-set

Pinamunuan ni vete­ran skipper Marian Bui­tre ang atake ng University of the Philippines upang muling tagpasin sa marathon match ang University of the East, 25-23, 20-25, 25-23, 24-26 15-11, sa UAAP season 81 women’s indoor volleyball tournament second round eliminations Miyerkoles ng hapon sa FilOil Flying V Centre.

Humataw ang graduating spiker ng Diliman-based squad ng 19 points, 16 mula sa atake at 3 galing sa blocks, upang ialpas ang koponan sa 6-4 win-loss record para buhulan sa third place sa standings ang Far Eastyern University at palakasin ang tsansa sa karera sa final four.

Dikdikan ang naging hampasan sa huling set ng kung saan natapos ang laban via net touch error mula sa kampo ng UE, na bumagsak sa 2-8 sa pagkabaon pa sa ilalim.

Kumayod din para sa Peyups si team captain Dianna Mae Carlos na may 16 markers­ at middle blocker Maristela Layug ng 15 points upang punan ang pagkawala ng injured na si Maria Isabel Lina Molde na hindi nakalaro.

“The game today it was hard, it wasn’t easy. As I said before nothing comes easy for us but we just have to work hard for every single point. Again, a win is a win. I’m happy with the win,” wika ni UP coach Godfrey Okumu.

Naduplika ng Diliman-based volleybelles ang 5-set win din sa mga baliblista ng Rector sa first bround noong Pebrero 16, 25-12, 22-25, 23-25, 25-19, 15-12, sa San Juan playing-venue­ rin. (Janiel Abby ­Toralba)

The post Buitre, UP tinagpas ulit ang UE sa 5-set appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *