Bugle Notes pumanaw na

MARAMING karerista ang nalungkot sa masamang balitang nangyari kay super horse Bugle Notes.

The post Bugle Notes pumanaw na first appeared on Abante.

bugle notes pumanaw na - Bugle Notes pumanaw na
karera 1 - Bugle Notes pumanaw na

MARAMING karerista ang nalungkot sa masamang balitang nangyari kay super horse Bugle Notes.

Naglabasan sa social media na namatay na ang isa sa pambato ng Bell Racing Stable at 2019 Cojuangco Cup ruler na si Bugle Notes.

Ayon sa mga malalapit na kaibigan ng connection ni Bugle NoteS, nag-collapse daw ito matapos ang trangko.

Undefeated si Bugle Notes nakaraang taon, isa sa mga Inilampaso niya ay si reigning Presidential Gold Cup king Super Sonic.

At bago nagkaroon ng pandemya ngayong 2020 ay hindi rin ito natalo sa kanyang mga laban.

“Sayang si Bugle Notes magaling pa naman, sana may lahi pa siya kasi malaking tulong ang katulad niya sa industriya ng karera,” saad ni Carlos Makalintal na beteranong karerista.

Si Bugle Notes ay ka-kuwadra ni champion horse Union Bell. (Elech Dawa)

The post Bugle Notes pumanaw na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *