Bucks 2-0 versus Raptors sa angas nina Giannis, Ilyasova

INUMPISAHAN ni Gia­nnis Antetokounmpo ang laro sa isang payanig na dunk. Sa sumu­nod na posesyon, binutata si Marc Gasol. Sa sumunod, isa pang dak­dak.

The post Bucks 2-0 versus Raptors sa angas nina Giannis, Ilyasova appeared first on Abante News Online.

bucks 2 0 versus raptors sa angas nina giannis ilyasova - Bucks 2-0 versus Raptors sa angas nina Giannis, Ilyasova
Milwaukee Bucks - Bucks 2-0 versus Raptors sa angas nina Giannis, Ilyasova

INUMPISAHAN ni Gia­nnis Antetokounmpo ang laro sa isang payanig na dunk. Sa sumu­nod na posesyon, binutata si Marc Gasol. Sa sumunod, isa pang dak­dak.

Nailatag ang tempo ng laro, at hindi na nabago.

Dalawang panalo na lang ang kailangan ni Antetokounmpo at ng Milwaukee Bucks para ariin ang Eastern Conference.

Pasabog ang Greek Freak ng 30 points at 17 rebounds, mula sa bench ay nagdagdag ng 17 points si Ersan Ilyaso­va, at start-to-finish na kinontrol ng Bucks ang laro tungo sa 125-103 panalo kontra Toronto Raptors tungo sa 2-0 lead sa East finals.

“He plays so hard, he lays it all on the line, every time,” ani Bucks coach Mike Budenholzer. “It was a great start for us. I think everybody fed off of Giannis and how he started the game.”

Hanggang dulo.

Umiskor si Antetokunmpo ng 11 sa fourth, anim na Bucks ang nagsumite ng double figures – tatlo ang reserves. (VE)

The post Bucks 2-0 versus Raptors sa angas nina Giannis, Ilyasova appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *