Brownlee, Stanley ididiskonek ang TNT

DATI pa ay sinasabi na ni Ginebra coach Tim Cone na butas ng karayom ang dadaanan para makarating sa finals, lalo sa pagdepensa ng titulo.

The post Brownlee, Stanley ididiskonek ang TNT appeared first on Abante News Online.

brownlee stanley ididiskonek ang tnt - Brownlee, Stanley ididiskonek ang TNT
tim cone3 - Brownlee, Stanley ididiskonek ang TNT

GAME 1

Semis Game 1 ngayon:

(Smart Araneta Center)

7:00pm — Ginebra vs. TNT

DATI pa ay sinasabi na ni Ginebra coach Tim Cone na butas ng karayom ang dadaanan para makarating sa finals, lalo sa pagdepensa ng titulo.

Naligtasan ng Gin Kings ang Magnolia sa dalawang laro sa quarterfinals, sunod na nakaharang sa defending champions ang TNT KaTropa sa semifinals naman ng PBA Commissioner’s Cup.

Babalatan ng Gins at KaTropa ang best-of-five series mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Bago pa umusad ang TNT pagkatapos ng 104-93 win sa Alaska noong Miyerkoles, sinabi na ni Cone na mahirap basagin ang eliminations topnotcher na win-once kontra No. 8 Aces.

“They have been the number one seed all the way through,” ani Cone pagkatapos ng 106-80 demolition sa Hotshots noong Martes na nagwalis sa best-of-three quarters.

Nilampaso rin ng Alaska ang TNT 108-72 noong Linggo para ma-neutralize ang twice-to-beat ng No. 1 seed.

“Alaska was the first team to expose their weakness but up to that point, they’ve been pretty much unbeatable,” dagdag ni Cone, siguradong pinanood ang bounce-back win ng TNT.

Nasa unahan ng KaTropa si ex-Houston Rocket Terrence Jones na nagsumite ng 37 points, 20 rebounds at 9 assists sa series win. May 20 points at 7 rebounds pa si Troy Rosario, 17 points at 6 assists kay Jayson Castro, 14 markers kay Don Trollano at 12 si RR Pogoy.

Panagupa ni Cone si reigning conference Best Import Justin Brownlee, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Scottie Thompson at Stanley Pringle.

Tinalo ng TNT ang Ginebra sa eliminations 104-96 noong June 12, pero makalipas ang anim na araw ay dumating sa Barangay si Pringle mula NorthPort.

Isa pang kailangang tapatan ng KaTropa ang sixth-man ng Ginebra, ang crowd. (Vladi Eduarte)

The post Brownlee, Stanley ididiskonek ang TNT appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *