Brownlee aminadong nagbuwakaw kaya olats

WALANG ibang umiskor ng basket sa Ginebra kundi si Justin Brownlee sa fourth quarter kontra Phoenix Biyernes ng gabi.

The post Brownlee aminadong nagbuwakaw kaya olats appeared first on Abante News Online.

brownlee aminadong nagbuwakaw kaya olats - Brownlee aminadong nagbuwakaw kaya olats
Abante Justine Brownlee - Brownlee aminadong nagbuwakaw kaya olats

Ni: Vladi ­Eduarte

Mga laro ngayon:­
(Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – SMB vs. Columbian
6:45 pm – Ginebra vs. Alaska

WALANG ibang umiskor ng basket sa Ginebra kundi si Justin Brownlee sa fourth quarter kontra Phoenix Biyernes ng gabi.

Nilista ni Brownlee ang 21 sa 22 points ng Gins sa final 12 minutes.­ Ang nag-iisang puntos na ambag ng locals, galing kay Stanley Pringle – technical free throw pa mula sa ejection ni Fuel Masters coach Louie Alas sa 8:54 mark.

Lahat ng opensa ipinaubaya sa import? O depende kung sino ang titingin, sasabihing hindi namigay ng bola si Brownlee.

Ang resulta ay tumukod ang Gins 111-103 at natengga sa 4-4, kabuhol ang Phoenix at Alaska sa fifth-seventh ng PBA Commissioner’s Cup.

“I just got to do a better job of moving­ the ball and make people involved,” ani Brownlee pagkatapos.

Mula sa field ay bumato ng 23 ang dating Best Import at 9 ang pumasok, 2 for 12 sa labas ng arc. Tumapos siya ng 31 points, 15 rebounds, 7 assists at 6 steals pero may 4 turnovers sa loob ng 45 minutes.

The post Brownlee aminadong nagbuwakaw kaya olats appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *