Brown, Celtics ginulpi Raptors

ISINARA ng Boston Celtics ang third quarter sa nakakangilong 36-12 run para pataubin ang Toronto Raptors 122-100 sa Wide World of Sports Complex sa Orlando nitong Biyernes.

brown celtics ginulpi raptors - Brown, Celtics ginulpi Raptors
Jaylen Brown - Brown, Celtics ginulpi Raptors

ISINARA ng Boston Celtics ang third quarter sa nakakangilong 36-12 run para pataubin ang Toronto Raptors 122-100 sa Wide World of Sports Complex sa Orlando nitong Biyernes.

Napigil ang rolyo ng Raptors matapos simulan ang NBA restart sa 3-0.

Nagkasya lang sila sa 14 points sa first quarter at iwan na 52-37 sa halftime.

Tumikada ng 10 for 38 mula 3-point range ang Toronto.

Sa kabila ng talo, nanatili sa No. 2 spot ng Eastern Conference ang Raptors sa 49-18 card.

Nasa third spot ng East ang Boston sa 46-23.

Nagsabwatan sina Jayson Tatum at Jaylen Brown para ihatid sa panalo ang Celtics.

Naglista si Brown ng 20 points at 6 rebounds, may 18 points, 7 rebounds at 4 assists si Tatum.

Umayuda pa ng 17 points si Kemba Walker.

Nanguna ang 13 points ni Fred VanVleet sa Toronto, may tig-11 markers sina Kyle Lowry at Pascal Siakam. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *