Browlee, McCullough ipapalit kay Blatche sa Gilas

Browlee, McCullough ipapalit kay Blatche sa Gilas

HINDI lang isa kundi nakatuon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa lahat ng mga nagnanais na maging naturalized player para sa Gilas Pilipinas.

browlee mccullough ipapalit kay blatche sa gilas - Browlee, McCullough ipapalit kay Blatche sa Gilas
gilas 20 - Browlee, McCullough ipapalit kay Blatche sa Gilas

HINDI lang isa kundi nakatuon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa lahat ng mga nagnanais na maging naturalized player para sa Gilas Pilipinas.

Ito ang sinabi ni SBP president Al Panlilio na nakatuon sa pagsisimula ng maagang proseso ng pagkuha sa mga naturalized player na ihahanda nito para sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa pagho-host ng bansa sa 2023 FIBA Basketball World Cup.

Sinabi ni Panlilio na hangad ng SBP na buuin ang pool of naturalized players sa susunod na mga taon.

Matatandaan na ilang beses na nagpahayag ang resident import ng Barangay Ginebra na si Justin Brownlee na maging parte ng pambansang koponan, gayundin din si Chris McCullough, na itinulak ang San Miguel bilang import sa pagwawagi sa Commissioner’s Cup.

Maaari na mag-naturalized ang isang bansa ng mga nais nitong makuhang manlalaro subalit tanging isa lamang ang makakapaglaro sa pagsabak nito sa mga sanctioned na torneo ng FIBA tulad sa World Cup.

Gayunman, nais muna ni Panlilio na maresolbahan ang pangunahing problema na pagpangalan sa bagong head coach ng Pilipinas bago nito simulan ang proseso sa pag-naturalized ng manlalaro at pagbibigay ng mga pangalan.

“That’s another process that we need to make. Again, I think it starts with really identifying the coach. We are talking about the World Cup 2023 and based on the assessment of the coach, we have to start the process of naturalization,” sabi ni Panlilio. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *