Brondial bibingo

Namumuro sa posibleng suspensiyon ang Alaska Aces big man na si Rodney Brondial matapos muling ipatawag ng Office of the PBA Commissioner dahil sa pakikipagbanggaan sa huli nitong laro kina Juami Tiongson at Jeepy Faundo ng Terrafirma.

The post Brondial bibingo first appeared on Abante.

brondial bibingo - Brondial bibingo
abante brondial - Brondial bibingo

Namumuro sa posibleng suspensiyon ang Alaska Aces big man na si Rodney Brondial matapos muling ipatawag ng Office of the PBA Commissioner dahil sa pakikipagbanggaan sa huli nitong laro kina Juami Tiongson at Jeepy Faundo ng Terrafirma.

Ipinatawag muli ng PBA si Brondial matapos na mapatalsik sa laro dahil sa dalawang technical foul sa laro kontra Dyip nitong Martes sa Angeles University Foundation gym.

Napituhan si Brondial ng magkasunod na technical matapos makipagsigawan kay Faundo bago pa ang panghuli na second motion hit nito kay Tiongson.

Naganap ang insidnete sa natitirang 33.9 segundo sa ikatlong yugto na bitbit ng Aces ang 79-77 abante.

Una nang nabigyan ng flagrant foul penalty 1 si Brondial sa unang laro ng pinaikling season ng nagbukas muli na torneo sa pagitan ng Alaska at TNT Tropang Giga.

Itatakda pa ni PBA Commissioner Willie Marcial ang pakikipag-usap nito kay Brondial kung saan inaasahan na ipapaliwanag nito ang posibleng maganap sa Alaska big man kung patuloy itong makakatanggap ng mga mabibigat na tawag sa bawat laro.

Matatandaang naglabas ng bagong kautusan ang liga hinggil sa mga natitipon na mabibigat na uri ng foul bago magbukas ang liga na may nakatakdang mas malaking kaparusahan. (Lito Oredo)

The post Brondial bibingo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *