Brain tumor survivor Balanza trip tumoma

EXCITED nang ‘tumoma’ o maging opisyal na bahagi ng Barangay Ginebra Gin Kings ang rookie at brain tumor survivor na si Jerrick Balanza.

brain tumor survivor balanza trip tumoma - Brain tumor survivor Balanza trip tumoma
abante jerrick - Brain tumor survivor Balanza trip tumoma

EXCITED nang ‘tumoma’ o maging opisyal na bahagi ng Barangay Ginebra Gin Kings ang rookie at brain tumor survivor na si Jerrick Balanza.

Ang produkto ng Letran Knights ay pinili bilang 13th pick ng Gin Kings sa PBA Draft nakaraang taon at umaasa ang 6’3 rookie guard na mabibigyan nito ng katuparan ang kanyang mga pangarap.

“Marami pong dapat ipagpasalamat at matutupad ko po iyon kapag nakalaro na ako sa Gin Kings,” sabi nito.

Aminado si Balanza na marami siyang natutunan sa mga kasamahan sa Ginebra lalo na pagdating sa pamilya.

Matatandaang Setyember 6, 2018 nang dumating ang malaking hamon sa buhay ng dating Knight matapos itong makitaan ito ng brain tumor na ikinalungkot ng komunididad ng Letran at kanyang pamilya.

Gayunman, nalampasan ito ni Balanza sa matagumpay na operayon noong 2018 at halos anim na buwan na ginawa niyang pamamahinga bago nakamit ang pagkakatuntong nito sa PBA.

Buo ang kasiyahan sa pamilya ni Balanza na nagkaroon ng katuparan ang pangarap nitong makarating sa PBA at sa paboritong team pa na Barangay Ginebra makakapaglaro. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *