Boxer na manyak sinuspinde ng CSAC

PINATAWAN ng indefinite suspension ng California State Athletic Commission ang Bulgarian Heavyweight boxer na si Kubrat Palev matapos halikan ang isang babaeng reporter sa kalagitnaan ng post-fight interview.

The post Boxer na manyak sinuspinde ng CSAC appeared first on Abante News Online.

boxer na manyak sinuspinde ng csac - Boxer na manyak sinuspinde ng CSAC
Abante 2019 Kubrat Palev - Boxer na manyak sinuspinde ng CSAC

PINATAWAN ng indefinite suspension ng California State Athletic Commission ang Bulgarian Heavyweight boxer na si Kubrat Palev matapos halikan ang isang babaeng reporter sa kalagitnaan ng post-fight interview.

Ayon sa balita na inilabas ng TMZ Sports, mismo ang spokesperson ng CSAC ang nagbalita na hindi bibigyan ng lisensya si Pulev na lumaban sa California hangga’t sa personal siyang pumunta sa Commission para pag-usapan ang insidente.

Ayon pa sa Commission, may pagkakataon daw si Pulev na kausapin sila sa Mayo pero hindi pa sigurado kung sisipot si Pulev.

Mainit ngayon sa publiko si Pulev matapos halikan sa labi si Vegas Sports Daily reporter Jenny Sushe noong nakaraang Sabado nang talunin si Bogdan Dinu sa Costa Mesa, CA.

Dahil sa insidente, pinag-iisipan ngayon ni Sushe na magsampa ng kaso laban kay Pulev, na para kanya ay isang maliit na bagay dahil magkaibigan aniya sila ni Sushe.

Pero hindi ito nararamdaman ni Sushe na naglabas ng pahayag at sinabi nito na hindi niya aniya binigyan ng permiso si Pulev para gawin ito sa kanya. (Fergus Josue, Jr.)

The post Boxer na manyak sinuspinde ng CSAC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *