Boss Emong pakondisyon

PATULOY ang paghahanda ng mga kalahok sa prestihiyosong Presidential Gold Cup na gaganapin sa Disyembre 27 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

The post Boss Emong pakondisyon first appeared on Abante.

boss emong pakondisyon - Boss Emong pakondisyon
Philracom 2 - Boss Emong pakondisyon

PATULOY ang paghahanda ng mga kalahok sa prestihiyosong Presidential Gold Cup na gaganapin sa Disyembre 27 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa ipinakitang barrier trial nina Princess Eowyn, Boss Emong at Electric Truth noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite ay maganda ang itinakbo ng tatlo.

Bumandera paglabas ng aparato si Princess Eowyn sa 1,600 meter race, limang kabayo ang pagitan sa segundong Boss Emong habang nasa tersero puwesto si Electric Truth.

Kampanteng nirendahan ni class A rider Fernando Raquel si Princess Eowyn, papasok ng far turn ay kumakapit na si Boss Emong.

Pagdating ng huling kurbada ay nagkapanabayan na sina Princess Eowyn at Boss Emong na sinakyan ni class A jockey MM Gonzales, bigayan ang dalawang hinete sa rektahan.

Naunang tumawid sa meta si Boss Emong pero kalahating kabayo lang ang agwat kay Princess Eowyn habang tersero si Electric Truth. (Elech Dawa)

The post Boss Emong pakondisyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *