Booker, Phoenix hahabol sa playoffs

ITINARAK ng Phoenix Suns ang 114-99 panalo kontra Indiana Pacers kahapon sa restart ng 2019-2020 NBA season sa Disney World sa Orlando, Florida.

booker phoenix hahabol sa playoffs - Booker, Phoenix hahabol sa playoffs
booker - Booker, Phoenix hahabol sa playoffs

ITINARAK ng Phoenix Suns ang 114-99 panalo kontra Indiana Pacers kahapon sa restart ng 2019-2020 NBA season sa Disney World sa Orlando, Florida.

Humarurot ng 17-0 sa first, sunod ang 21-0 run sa third, wala pang talo sa apat na salang ang Suns sa “NBA Bubble”, tangan nila ang 30-39 karta at nasa pang-10 ng Western Conference.

Pero malaki ang tsansa ng Phoenix na makasampa sa playoffs dahil bukod sa may apat pa silang natitirang laro ay dalawang panalo lang ang hinahabol nila sa No. 8 na Memphis Grizzlies (32-37).

Tumikda si Devin Booker ng 20 points, 10 assists at tatlong rebounds para sa Suns, na susunod na makakalaban ang Miami Heat. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *