Bolick, Perez sa 3×3 magpapasiklab

HINDI man nakasama sina Robert Bolick at CJ Perez sa Gilas Pilipinas men’s basketball pool, may tsansa pa rin silang magsuot ng national colors sa 2019 Southeast Asian Games.

bolick perez sa 3x3 magpapasiklab - Bolick, Perez sa 3×3 magpapasiklab
perez x bolick - Bolick, Perez sa 3×3 magpapasiklab

HINDI man nakasama sina Robert Bolick at CJ Perez sa Gilas Pilipinas men’s basketball pool, may tsansa pa rin silang magsuot ng national colors sa 2019 Southeast Asian Games.

Puro pros din ang pinili ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pool ng Gilas 3×3 team na isasabak sa regional biennial games na iho-host ng bansa sa Nov. 30-Dec. 11.

Tulad sa Gilas men’s, walang isinamang collegiate players sa 3×3 pool.

Huwebes ay inihayag ni SBP president Al Panlilio ang komposisyon ng pool na pangungunahan nina Bolick at Perez, dalawang miyembro ng Gilas na sumabak sa FIBA World Cup sa China.

Makakasama nila sina Raymond Almazan, Baser Amer, Chris Banchero, Mac Belo, Chris Newsome, Jason Perkins, Terrence Romeo, Anthony Semerad, Ian Sangalang at Mo Tautuaa.

Hindi pa lang inihahayag kung sino ang magiging coach ng team.

Gustong isabay ng SBP ang development ng 3×3 sa programa ng men’s basketball.

“There are a lot of leagues for 5-on-5, while 3×3 leagues aren’t too many,” paliwanag ni Panlilio.

“It’s something we should propagate even much more. In this case, if we can bring the PBA – because PBA players can be fielded – we can bring more people, more interest into the program. It only helps the SBP to bring all of this together.” (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *