Bolick, Ammons kamador ni Pido

BABALIK ng Smart Araneta Coliseum sina Robert Bolick at Mychal Ammons para i-follow up ang unang panalo ng NorthPort sa PBA Governors Cup.

bolick ammons kamador ni pido - Bolick, Ammons kamador ni Pido
bolick 1 - Bolick, Ammons kamador ni Pido

Mga laro ngayon:

(Smart Araneta Coliseum)

4:30pm — NLEX vs. Meralco

7:00pm — Magnolia vs. NorthPort

BABALIK ng Smart Araneta Coliseum sina Robert Bolick at Mychal Ammons para i-follow up ang unang panalo ng NorthPort sa PBA Governors Cup.

Mapapalaban ang dalawang kamador ng Batang Pier, pati ang bagong acquisitions na sina Russell Escoto at Jerramy King, laban sa defending champion Magnolia Hotshots sa second game mamaya pagkatapos ng bakbakan ng NLEX at Meralco.

Pinigil ng NorthPort ang Rain or Shine, 99-94, kinapos ang Hotshots sa Bolts 98-92.

Maangas ang balik ni Bolick mula kampanya sa FIBA World Cup kasama ng Gilas Pilipinas.

Kontra Elasto Painters ay nagsumite si Bolick ng 20 points, 4 rebounds at 5 assists, kinamada ni Ammons ang 15 sa kanyang 25 points sa third at nagbaba ng 19 rebounds.

Inaasahan na ni coach Pido Jarencio ang pag-angat ng laro ni Bolick pagkatapos ng World Cup.

“’Yung confidence niya, tataas na talaga,” anang coach. “Isipin mo, the best in the world nakalaban niya. kahit paano, nagkakumpiyansa ng husto ‘yung bata.”

Partida, buong offseason na hindi nakasama ng Batang Pier ang rookie.

“Ngayon pa lang kumakapa. Nakita n’yo naman kung gaano katalino ‘yung bata, nakaka-jell na sa players,” dagdag ni Jarencio.

Sasagupain ni Bolick ang mga kuya niya sa Gilas na sina Paul Lee at Mark Barroca, may 20 points si Lee noong unang laro, may 18 points at 7 rebounds si Barroca. Pareho pang hugot off the bench ni coach Chito Victolero ang dalawa.

Mapapalaban naman si Ammons kay Romeo Travis na nagsumite ng 22 points, 9 rebounds at 4 assists laban sa Bolts. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *