Black, Garcia aalalay kay Uichico sa Gilas

BUKOD sa players, nagdagdag din ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ng tatlong matitibay na coaches na tutulong magtimon sa Gilas Pilipinas sa third at final window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa susunod na buwan.

The post Black, Garcia aalalay kay Uichico sa Gilas first appeared on Abante.

black garcia aalalay kay uichico sa gilas - Black, Garcia aalalay kay Uichico sa Gilas
abante black caloy - Black, Garcia aalalay kay Uichico sa Gilas

BUKOD sa players, nagdagdag din ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ng tatlong matitibay na coaches na tutulong magtimon sa Gilas Pilipinas sa third at final window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa susunod na buwan.

Si Kiefer Ravena ang unang player mula PBA na hiniram ng SBP para isahog sa Gilas pool na isang buwang magsasanay sa bubble-style system sa Inspire Sports Academy.

Susunod sa Calamba ang iba pang pros na hihiramin.

Dagdag-puwersa kina head coach Jong Uichico at program director Tab Baldwin sina PBA coaches Norman Black at Caloy Garcia, at si Sandy Arespacochaga.

Mentor ng Meralco si Black, hawak ni Garcia ang Rain or Shine. Bukod sa pagiging assistant sa TNT, head coach si Arespacochaga ng Gilas Youth.

Ang dagdag-coaches ay paghahanda na rin daw ng SBP sa 2023 FIBA World Cup na iho-host ng Pilipinas.

“We are two-plus years out from 2023. It’s about bringing a lot of people in as we get closer to 2023,” paliwanag ni Baldwin.

Hindi na bago sa national team si Black. Siya ang nagtimon sa Sinag Pilipinas na naka-gold sa 2011 SEA Games, mula 2011-18 ay naging ayudante rin siya ni Chot Reyes sa national team.

Si Garcia ay lieutenant ni Yeng Guiao noon sa national squad na nangampanya sa 2019 FIBA World Cup qualifiers hanggang mismong torneo, at sa 2018 Asian Games. (VE)

The post Black, Garcia aalalay kay Uichico sa Gilas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *